When the spark is gone, kahit gaano mo man gusto ito isalba kung siya na mismo ang bumitaw, walang wala ka nang magagawa. Kahit lumuha ka pa nang dugo o di kaya’y magpasagasa, kung di ka na mahal, wala na, finish na…
Mahirap at masakit. Yun yung palagi nating naiisip pag tayo ay iniiiwan. You feel like the world hate you or worse is you blame God. “Bakit ako? Where did I go wrong? I gave my all, pero bakit ako parin ang talo?” that’s the usual question everyone asked. Pero ganun naman talaga diba? Hindi sa lahat ng oras ay magiging masaya tayo. Hindi sa lahat ng oras makukuha natin ang mga gusto natin. Darating tayo sa point na makakaranas tayo nang sakit. But hold on, you’ll get through it. Magpapatuloy parin ang mundo kahit na wala na siya.
Darating ka sa point na gusto mo na lang mawala sa mundo para mawala yung sakit na nararamdaman mo. Pero wala kang magagawa kundi mag mukmok na lang. Hold on, the pain is temporary. Umiyak ka. Wala naman masama kung makita ka nilang umiyak e. Normal lang naman yan sa mga nasasaktan. Huwag kang magpanggap na hindi ka nasasaktan dahil natatakot ka sa sasabihin ng iba. Who are they to judge you? One more thing is that don’t isolate your self. Go out with your friends or your family. It helps. Magluksa ka hanggang sa magsawa ka. But after that, pick up yourself up. Huwag mo naman hayaan na ma stuck ka na lang kung nasaan ka ngayon..
Magpatuloy ka sa buhay mo kahit ikaw na lang. Don’t you ever think na di mo na kayang mabuhay na wala siya. Alisin mo sa mind set mo yan. Yes, it may be hard but it will be worth it. God has better plans, you just need to trust Him. Masakit at mahirap pero kakayanin mo. Kung ginawa mo na lahat pero wala na lang sakanya, magpa tuloy kang mabuhay para sa sarili mo. Darating ang araw na sasaya ka din… sa tamang panahon at sa tamang tao.
Magpapatuloy ang mundo kahit na mag isa. Fix yourself not because you want him/her back but for yourself. You’ll be happy soon. Laban lang! Huwag na huwag mong susukuan ang pag ibig. Darating ang ‘the one’ mo sa tamang panahon. Chill ka lang and love yourself muna.